CLAUDINE BARRETTO, PINASALAMATAN SI DENNIS PADILLA SA PAGMAMAHAL NITO SA MGA ANAK NIYA

- Pinasalamatan ni Claudine Barretto si Dennis Padilla sa aniya'y patuloy na pagmamahal nito sa kanyang mga anak

- Sa kanyang Instagram post kung saan pinakita niya ang graduation video ni Sabina, nagkomento si Dennis para batiin ang mga anak ni Claudine

- Ibinalita pa ni Claudine na scholar na si Sabina at siyam ang natanggap na awards ni Santino

- Si Dennis ay dating asawa ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Claudine Barretto kay Dennis Padilla sa aniya'y pagmamahal ni Dennis sa kanyang mga anak. Sa kanyang Instagram post kung saan pinakita niya ang graduation video ni Sabina, nagkomento si Dennis para batiin ang mga anak ni Claudine.

Ibinalita pa ni Claudine na scholar na si Sabina at siyam ang natanggap na awards ni Santino.

@dennisastig Thank You so much kuya.may Scholar na ako.si Sab! Santino 9 awards.thank you so much for loving my kids hanggang ngayon.we love you kuya❤️

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

2023-05-29T11:59:29Z dg43tfdfdgfd