MAX COLLINS, INAMING HIWALAY NA SILA NI PANCHO MAGNO

Kinumpirma ni Max Collins na hiwalay na sila ng kaniyang dating mister na si Pancho Magno.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, sinabi ni Max na nangyari ang kanilang paghihiwalay noong panahon ng pandemic.

"I didn't talk about it because s'yempre, marami kaming pinagdaan as a family that time because there was a pandemic, nanganak ako, my marriage was falling apart," ayon sa aktres.

"I had to process everything, and I wanted to quiet the noise. I didn't want to hear other's people's opinions, suggestions, comments because artista na ako, ayaw kong gawing teleserye 'yung buhay namin," patuloy niya.

Ayon kay Max, maayos ang kanilang paghihiwalay ni Pancho, at napagkasunduan nila na gawin ito sa tahimik na paraan.

"Every separation is difficult, but it was amicable," saad niya. "We were not working [out], and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about."

Sinabi rin ni Max na ginawa nila ni Pancho ang lahat para maisalba ang kanilang pagsasama.

"We've been together for eights years total. Nilaban namin hangga't kaya ng mga puso namin in a sense where dumating 'yung point na we stopped becoming in denial about it," aniya.

"I didn't want to lie to myself anymore, and I think he didn't want to as well," sabi pa ni Max.

Inihayag din ng aktres na maganda ang co-parenting relationship nila ni Pacho sa kanilang anak na si Skye.

"That's why I'm ready to talk about it now because we're in a good place. I actually got his blessing to do an interview with you," sambit ni Max.

"We're in a very good place now. Our child is almost three, and he's very happy and healthy, and we have a very good co-parenting relationship," dagdag niya.

Tungkol sa relasyon niya kay Pancho, sinabi ni Max na, "We're the best of friends, [and] we're closer now."

Nagsimulang magkaroon ng usap-usapan sa posibleng paghihiwalay nina Pancho at Max nang magkahiwalay nilang idaos ang birthday ng kanilang anak na si Skye noong 2021. —FRJ, GMA Integrated News

This article Max Collins, inaming hiwalay na sila ni Pancho Magno was originally published in GMA News Online.

2023-05-29T12:09:42Z dg43tfdfdgfd