CARLO AQUINO ATTENDS DAUGHTER MITHI'S MOVING UP; TRINA CANDAZA SAYS, 'MAS MAGAAN NA'

"Mas magaan na, hindi na mabigat," yan ang sagot ni Trina Candaza nang tanungin siya ng isa sa kanyang mga Instagram followers kung ano ang naramdaman niya noong nakita si Carlo Aquino, ang ama ng tatlong taong gulang na anak niyang si Enola Mithi.

Nag-post ng mga litrato si Trina sa Instagram account ni Mithi tungkol sa naganap na Moving Up Day nito noong May 26. Magkasama ang dalawa sa espesyal na araw na ito, kahit na napaulat noong Enero na hindi pa nahihiram ni Carlo ang anak tatlong buwan na ang nakalilipas.

Bukod sa mga litrato, meron ding inupload si Trina na video ng mag-ama nang patapos na ang programa.

READ ALSO: Trina Candaza On Being A Solo Parent: 'May Kirot Kasi Hindi Buo Ang Pamilya Ng Anak Ko'

'At peace and contented'

Nagpaunlak naman ng "Ask me anything" sa Instagram stories niya ang 27 taong gulang na model at marami ang curious sa estado ng kanyang puso.

"I want to start a relationship na maganda yung simula, yung walang magiging problema and ready kami ni Mithi." --Trina Candaza

Isa ang nangamusta sa model at ang sagot niya, siya raw ay "at peace" at "contented" na sa kanyang buhay.

Aniya, "I finally felt peace, may few problems lang but I feel so blessed, hindi lang sa mga binibigay sakin but pati sa mga tinatanggal sakin. Basta, a lot of realizations! Thank you sa mga taong nakapaligid sakin na true and good yung intention samin, saming mag-ina."

Meron din namang diretsahang tinanong si Trina kung may bagong boyfriend na ba ito, "Wala pa, but I know dadating din siya. I want to start a relationship na maganda yung simula, yung walang magiging problema and ready kami ni Mithi."

Sinagot naman niya kung ano ang naging pakiramdam niya nang makita ang ex-boyfriend niyang si Carlo.

Tugon niya, "Mas magaan na, hindi na ganun kabigat. Maybe I'm starting to forgive and heal for real."

Dagdag pa niya, wala naman siyang pinagsisisihan na nagkakilala sila ng aktor. "I believe everything is meant to happen po. What I regret siguro yung simula, I should have handled things differently, sana inalam ko lahat, and nagsimula ng maayos. That's why on my next relationship gusto maayos yung simula."

"Take care of yourself para maalagaan mo din ng maayos little one mo. Kailangan nila ng masayang nanay." --Trina Candaza

Meron namang nagbigay sa kanya ng sitwasyon, kung anong mararamdaman niya kung ipakilala ni [blank] si [blank] sa kanya. 

"[I don't know] if ano mafeel ko if that happened, but yung idea for me it means he respects me so much, and he loves that person so much too," pahayag niya.

Kinumpirma ni Carlo na nasa dating stage sila ng aktres na si Charlie Dizon noong Enero rin.

On self-care and breastfeeding

May tanong rin ang kapwa solo parent niya kung meron din bang mga oras na wala siyang ginagawa at gusto na lamang humiga at magpahinga. Sagot niya, "Yes, and I let myself na pagbigyan yung gusto ko na humiga lang muna. Take care of yourself para maalagaan mo din ng maayos little one mo. Kailangan nila ng masayang nanay."

Nakakatuwa naman ang sagot ni Trina nang tanungin siya ng isa sa mga followers niya kung paano niya ini-wean o ipinatigil na mag-breastfeed si Mithi sa kanya. Ang ginamit daw niya, nipple covers! "Ito!! Ang dami ko triny, pero ito lang talaga nag-work. Nung ginamit ko yan, natanggap na niya na di na siya breastfeed."

2023-05-29T11:14:45Z dg43tfdfdgfd